Nanganganib nang bumigay ang healthcare system ng mga ospital sa bansang Afghanistan.
Ito’y matapos mahinto ang tulong na nanggagaling sa mga ibang bansa.
Simula nang bawiin ng Estados Unidos ang mga tropa ng sundalo nito sa nasabing bansa, ay siya namang naging oportunidad para sa mga Taliban na sakupin ang kabul, afghanistan noong Agosto 15.
Ayon naman kay Afghanistan Representative for Medecins Sans Frontieres (MSF) Filipe Ribeiro, na ang magiging dahilan ng pagbagsak ng healthcare system sa Afghanistan ay ang kawalan ng suporta, kagamitan, pondo, at mga healthcare worker na tutugon sa mga naapektuhan ng pananakop ng grupong Taliban sa Afghanistan.—sa panulat ni Angelo Baino