Nasa moderate risk na ang Health Care Utilization Rate ng bansa para sa COVID-19 beds habang patuloy na tumataas ang kaso ng virus sa bansa.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung saan aniya ay nasa 62% na ang Health Care Utilization Rate ng Pilipinas.
Kinumpirma rin ito ni Health Undersecretary at vaccine czar Leopoldo Vega, ngunit nilinaw nito na ang nasabing classification ay para lamang sa COVID bed allocation.
Noong Agosto 8 ay nasa 56% lamang ang HCUR ng bansa na itinuturing na ‘low risk’ at aakyat ito sa ‘moderate risk’ kapag lumampas ang HCUR sa 60%.
Batay pa sa ulat ng DOH noong Agosto 15, nasa 71% ang mga ICU beds, 63% ang mga ward bed, at 59% ng isolation beds para sa COVID-19 ang okupado.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico