Umakyat na sa 508 ang mga health care workers sa bansa na gumaling mula sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Health (DOH), 1,968 medical frontliners ang nagpositibo sa novel coronavirus.
Habang sa 1,426 na active cases, 991 o 69.5% ang mild cases, 428 o 30% ang asymptomatic, samantalang pito o 0.5% ang severe cases.
740 naman sa mga kasong ito ang mga nurses, 621 ang physicians, 126 ang nursing assistants, 72 ang medical technologists, 39 ang radiological technologists, habang 147 ang non-medical staff, at 34 ang naitalang death toll.
Una namang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na sa mga nakukuha nilang datos sa ngayon, kapansin-pansin na ang pagbaba ng bilang ng mga health workers sa tinatamaan ng virus.
Sa kasalukuyan, mayroong 10,610 confirmed cases sa buong bansa, kung saan 1,842 na ang gumaling at nasa 704 naman ang binawian ng buhay.