Sumugod sa tanggapan ng Department of Health (DOH) ang grupo ng mga health care worker mula sa pribado at pampublikong ospital sa bansa para ipanawagan ang hindi pa naibibigay nilang benepisyo sa ilalim ng Bayanihan 2.
Kabilang sa panawagan ng mga health care workers ay ang hindi pa naibibigay na P5,000 special risk allowance na nagta-trabaho sa pribado at pampublikong mga ospital sa bansa.
Gayundin ang P48,000 na meal, transportation at accommodation allowance at iba pang benepisyong nakalaan para sa mga health care worker na nagsisilbing frontliners sa gitna ng kinakaharap na pandemya.
Apela ng mga health care worker sa gobyerno at kay Pangulong Rodrigo Duterte, tugunan ang isyu upang kanila namang maramdaman ang proteksyon at kaligtasan sa kanilang trabaho na higit na kailangan ngayong pandemya.