Nilinaw ng Health Department na ang nakuhang dagdag pondo ng DOH hospitals at iba pang implementing units ay ginamit sa serbisyong medikal sa taumbayan.
Giit ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, kabilang sa pinagkagastusan ay ang pagpapatayo ng mga pasilidad at pagbili ng mga mahahalagang gamit para sa implementing units.
Bukod dito, sinagot naman ng PhilHealth ang ibang gastusing medikal.
Sinabi rin ng kagawaran na naitama na nila ang maling ulat ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa projected retained income para sa taong 2021 sa 98 implementing units.