Idineklara na ang health emergency sa hilagang bahagi ng Peru dahil sa zika.
Ito ay matapos umabot sa 102 katao na ang tinamaan ng zika sa naturang bansa.
Kabilang sa mga nagpositibo sa zika virus ang ang 34 na buntis.
Patuloy naman ang pagkilos ng Health Ministry ng Peru upang pigilan pa ang pagkalat ng sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP