Inirekomenda ng Vaccine Expert Panel ng gobyerno na bigyan ng ikalawang booster shot ang mga senior citizen at mga may sakit o comorbidity.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa ng National Task Force against COVID-19, layon nito na masiguro ang dagdag na proteksyon ng mga senior at mga immunocompromised na indibidwal laban sa COVID-19.
Dagadag pa ni Herbosa, hinihintay na lamang ang magiging desisyon ng iatf kung aaprubahan o hindi ang pagbibigay ng second booster para sa nabanggit na sektor.
Samantala, nabatid na sa record ng NTF at Department of Health (DOH), mayroon pang mahigit dalawang milyong senior citizen ang hindi pa nabakunahan kaya ito ngayon ang pinatutukan sa mga Local Government Unit (LGU) para mailigtas sila sa peligro ng COVID-19. – sa panulat ni Mara Valle