Umabot na sa 8,559 na medical at health frontliners ang nabakunahan ng Sinovac simula nuong Lunes, Marso 1 hanggang kahapon Marso 3.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles karamihan sa mga nabakunahan ng unang dose ng Sinovac ay mga doktor, nurse at iba pang medical healthcare workers.
Ito’y mula aniya sa piling ospital at pasilidad sa Metro Manila, kabilang ang UP- PGH, Dr. Jose Rodriguez Hospital, Lung Center of the Philippines, veterans Memorial Medical Center, PNP General Hospital, Pasig City General Hospital, Amang Rodriguez Memorial Hospital, Sta. Ana Hospital.
Gayundin sa ilang pribadong ospital gaya ng St. Luke’s Medical Center, Dr. Fe Del Mundo Hospital, The Medical City, at Cardinal Santos Hospital.