Tuluyang nagbitiw sa puwesto ang health minister ng Argentina na si Gines Gonzalez Garcia.
Ito’y makaraang mabunyag ang umano’y ‘palakasan system’ sa pagkuha ng bakuna kontra COVID-19.
Idinepensa naman ni Garcia na kaya napabilis ang pagkuha ng vaccine ng ilang personalidad ay dulot ng kalituhan habang wala siya sa kanyang tanggapan.
Una nang isiniwalat ng isang mamamahayag sa Argentina na nabakunahan agad siya makaraang kausapin niya mismo ang health minister ukol dito.