Health
Isa sa mga paboritong mani ang almonds….
Ang mala-luhang hugis nito na kalimitang nabibili ng may balat o wala ay sagana sa monounsaturated fat na tumutulong para protektahan ang ating puso.
Ito ay dahil may kakayahan ang almonds na i- maintain ang HDL good cholesterol laban sa bad cholesterol.
Maliban dito, mayaman din ang almonds sa mga sustansyang gaya ng phytosterols at copper.
Sa pag-aaral noong 2012 at 2014, napatunayang bumubuti ang kondisyon ng mga taong may sakit sa puso lalo na ang mga may problema din sa timbang.
Nakita din sa pag-aaral na sagana ang almonds sa fiber, protein , vitamin e, selenium, zinc, calcium, magnesium at B vitamins.
Kaya naman bagama’t mahal ang almonds, sinabi ng mga eksperto na sulit naman ito dahil sa mga sustansyang naibibigay nito sa ating katawan.
—-