Dumami pa ang bilang ng mga turistang nasisita dahil sa hindi pagsunod sa ipinatutupad na minimum health protocols sa isla ng Boracay.
Sinabi ni P/Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay Municipal Police Station, nitong November 21 ay may naitalang 29 violators.
Ilan aniya sa mga ito ay nasita dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at paglabag sa curfew hours. Tiniketan aniya ang mga violator na may multang 2,500 pesos.
Mula November 1 hanggang 21 ay umabot na sa mahigit 40,000 ang tourist arrivals sa Boracay kung saan nasa 1,500 hanggang 2,000 na turista kada araw kung saan halos kalahati sa mga ito ay nagmula sa Metro Manila. —sa panulat ni Hya Ludivico