Umabot na sa 30,000 ang naitalang paglabag sa health protocols sa gitna ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Ito’y bata sa datos ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa patuloy na pag-obserba sa mga health protocols para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson Ildebrandi Usana, ilan sa mga kadalasang nalalabag na health protocols ay ang hindi pagsusuot ng face masks at face shield, hindi pag obserba sa physical distancing at mga pag-inom at pagsasabong.
Gayunman, sinabi ni Usana na marami pa rin ang sumusunod sa ipinatutupad na health at safety protocols kaya naman sila aniya ay nanghuhuli ng mga lumalabag ay para rin ipakita na ito ay seryoso at dapat na sinusunod.