Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang mahigpit na health protocols sa mga evacuation centers sa kani-kanilang lugar sa gitna ng banta ng bagyong “Rolly”.
Sa ginanap na Laging Handa public briefing, iminungkahi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat magtalaga ng isang safety officer ang bawat LGU para i-monitor ang mga bakwit upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bukod dito, sinabi ni Vergeire na dapat ang mga evacuation sites ay mayroong handwashing stations at alcohol supply.