Epektibo pa rin ang health protocols ng bansa laban sa anumang Covid-19 variant.
Ito ang tiniyak ng Department of Health sa gitna ng muling pagsirit ng kaso sa China.
Ayon sa DOH, ang pagpapatupad ng karagdagang paghihigpit sa mga dumarating na biyahero lalo mula sa China o anumang pagbabago sa Covid-19 protocols ng bansa ay dapat na nakabatay sa siyensya at ebidensya.
Nitong Dis. 31, naglabas ng memorandum si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nanawagan para sa heightened alert status mula sa lahat ng manlalakbay galing china.
Isinumite ang Memo sa Office of the President at inirerekomenda ang pagpapalawig sa State of Calamity ng tatlong buwan upang matiyak na walang hadlang sa pagpapatupad sa Covid-19 protocols ng pamahalaan.
Umaasa naman ang kagawaran na ilalabas ng palasyo ang desisyon ngayong linggo.