Mahigpit na babantayan ng Task Force Disiplina ng Quezon City ang halos 50 community pantry sa lungsod.
Ito, ayon kay Rannie Ludovica, pinuno ng Task Force Disiplina, ang kabilin-bilinan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sinabi sa DWIZ ni Ludovica na mahigpit nilang ipatutupad ang health protocols lalo na’t marami ang pipila o dadagsa sa mga community pantry sa kanilang syudad lalo’t mataas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Ang marching order ni mayor, kailangan magkaroon ng kaayusan sa bawat community pantries. Kasi meron nang almost 47 community pantries sa Quezon City, na kailangan ma-implement pa rin ang health protocols dahil under MECQ pa rin tayo,” ani Ludovica. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais