Dapat siguruhin ng mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan na hindi magkakaroon ng hawaan ng COVID-19 sa mga evacuation centers.
Ito ang tagubilin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go, na Chair Committee on health ng senado, habang nanatili sa mga evacuation center ang mga pamilyang inilikas dahil sa hagupit ng nagdaang bagyo.
Pagdidiin pa ni go, dapat lang na masiguro na mahigpit na maipatutupad ang mga health protocols bilang pag-iingat sa posibleng pagkalat ng virus.
Kasunod nito, nakiusap ang senador sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo na makipagtulungan sa kani-kanilang lokal na pamahalaan at magmalasakit sa kapwa dahil mahalaga ani go ang maprotektahan ang buhay ng bawat isa lalo’t nasa gitna tayo ng pandemya.
Nauna rito, tiniyak ni Senador Go, na nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon, at sinigurong nakahanda ang pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.— ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)