Pinatitiyak ng Malakanyang sa mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na apektado ng bagyong Quinta ang patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat matiyak na nasusunod ang mga umiiral na minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing sa mga evacuation centers.
Gayundin ang pag-isolate o paghiwalay sa mga evacuees na makikitaan ng anumang sintomas ng COVID-19.
Dagdag ni Roque, mananatili ring bawal ang mga pagtitipon-tipon sa loob ng evacuation centers habang dapat maglagay ng mga kinakailangang safety markings bilang paalala.
Una nang sinabi ni Senator Christopher Bong Go na mahigpit na nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon sa mga lugar na apektado ng bagyong Quinta.