Bagama’t kanselado na ang mga aktibidad sa Sinulog 2021 sa Cebu City, pinapayagan pa rin ang ilang mga deboto na pumasok sa Basilica Menor del Santo Niño kasabay ng ika-456 na kapistahan ng Señor Sto. Niño de Cebu.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Police Colonel Josefino Ligan, Chief of Police ng Cebu City Police Office o CCPO, mahigpit pa ring ipinatutupad ang health protocols para sa mga debotong pumapasok ng simbahan para magsindi ng kandila bilang pagpapakita ng debosyon kay Señor Sto. Niño.
Nakabantay din aniya ang mahigit isang daang pulis sa entrance at exit points ng pilgrim center.
Samantala, binalaan naman ni Ligan ang mga deboto at ilang residente na lumalabag sa curfew na hindi sila mangingiming ipatupad ang batas oras na mahuli ang mga ito.