Nanawagan ang Liberal party sa gobyerno na ilabas ang health at hospital records ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng aksidente nito sa motorsiklo.
Ayon kay Liberal party external Vice President Erin Tañada, malinaw na isinasaad ng Article 7, Section 12 ng konstitusyon na dapat na ipaalam sa publiko ang tunay na estado ng kalusugan ng pangulo.
Aniya, ang aksidenteng kinasangkutan ng pangulo ay maituturing na national concern at national interest kaya dapat na ipalabas ng malakanyang ang report ng doktor kaugnay sa kalusugan ng pangulo matapos ang aksidente.
Matatandaang mismo si Senador Christopher Bong Go ang siyang nagbahagi sa publiko na nagkaroon ang pangulo ng galos at pasa sa kanyang siko dahil sa aksidente.