Nagbabala si Health Secretary Teodoro Herbosa sa mga health risk sa mga Pilipino na dulot ng mga nakakahawang sakit at ang itinuturing nyang “Lifestyle diseases” ngayong holiday season.
Hinikayat ni Sec. Herbosa na maging maingat sa kanilang kalusagan at sinabing ilan sa mga nangungunang sakit sa bansa ang sakit sa puso, cancer, at diabetes.
Una nang pinayuhan ng kalihim ang publiko na umiwas sa mga “mataba, matamis, at maalat” na mga pagkain dahil pinapataas nito ang risk ng hypertension, cholesterol, at diabetes. - sa panulat ni Raiza Dadia