Mas maghihigpit lang ang mga otoridad sa pagpapatupad ng mga ordinansa ng local government units hinggil sa health and safety protocols.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, sa gitna na rin nang pagsirit pa ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sinabi ni Usana na noon pang isang taon naipatupad ang mga nasabing panuntunan subalit mag-aadjust ang PNP para sa strict implementation ng mga ito.
Nakapag-deploy na po ang ilan sa mga units ng PNP sa NCR base sa kautusan ng DILG na paigtingin ang implementation ng ating protocols dahil sa pagdami ng ating kaso ng COVID-19,” ani Usana. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas