Nakatakdang isagawa ng Presidential Security Group ang health screening sa mismong araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa inilabas na guidelines ang health screening ay isasagawa ng psg sa mga indibidwal na papasok sa Plenary Hall.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa kauna-unahang SONA ng pangulo.
Kinakailangan umano na hawak ng mga bisita ang proof of identity o ID, vaccination card na nagsasaad na nakakumpleto sila ng 2 doses ng COVID-19 vaccine, negative rt pcr test at health declaration form.
Kapag nakumpleto na ang screening ay bibigyan sila ng tags ng psg patunay na successful ang validation ng kanilang mga requirement.
Paalala naman ng kamara, ang rt pcr test ay dapat gawin ngayong ng hapon.
Maliban sa mga papasok sa Plenary Session Hall, kailangan din ng negative rt pcr test sa mga mananatili sa North at South Wing Lobby.