Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointment o CA ang nominasyon ni Secretary Francisco Duque III bilang kalihim ng Department of Health o DOH.
Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon nang palitan ni Duque bilang pinuno ng DOH si dating Health Secretary Paulyn Ubial habang nagsilbi na rin ito noong kalihim ng DOH sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Naniniwala ang mga miyembro ng CA na mapamumunuan ni Duque ang Department of Health ngayong may malaking hamong kinakaharap ang kagawaran kaugnay ng kontrobersyal na dengue vaccine na dengvaxia.
Ayon kay Senador Gringo Honasan, hindi matatawaran ang mga nagawa noon ni Duque bilang kalihim ng DOH.
Naniniwala naman sina Senador Manny Pacquiao at Senador Miguel Zubiri na wala nang iba pang angkop na manungkulan ngayon bilang pinuno ng DOH kundi si Duque.
after the official confirmation of health secretary Francisco Duque @dwiz882 pic.twitter.com/UXztnrYDXF
— cely bueno (@blcb) February 7, 2018
—-