Kumpiyansa si Health Secretary Paulyn Ubial na makalulusot na siya sa Commission on Appointments ngayong araw.
Ayon kay Ubial, mismong ang kanyang track record na ang nagsasabi na maayos ang kanyang background at nasagot na rin niya ang lahat ng tanong.
Aminado si Ubial na maraming balakid ang kanyang kinakaharap sa nakalipas na mga buwan at humugot lamang ng lakas mula sa Diyos, kanyang mga kaibigan at kasamahan.
Samantala, dalawampu’t isang organisasyon kabilang ang dalawang indibidwal ang nagpahayag ng suporta para kay Ubial sa pagsalang nito sa C.A.