Bigo pa ring makalusot sa CA o Commission on Appointment si Health Secretary Paulyn Ubial.
Ito ay matapos pagpasyahan ng panel na i-reset ang botohan sa kumpirmasyon ni Ubial dahil ilan pang mga usapin ang ihaharap sa kalihim sa pangunguna ni Senador Manny Pacquiao.
Ayon kay Senador Gringo Honasan, chairman ng komite, kanilang itatakda ang isa pang pagdinig bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo.
Kabilang sa mga isyung kailangang sagutin ni Ubial ay ang napakarami niyang biyahe palabas ng bansa at ang pagkuha sa kanyang anak na si Carl bilang isa sa consultant na isinasama rin niya sa kanyang foreign travels.