Dahil sa inaasahang mas mainit na temperatura ngayong linggo, narito ang ilan sa mga tips at paalala ngayong bakasyon at Semana Santa upang maproteksyunan ang inyong sarili mula sa matiniding sikat ng araw.
Importante ang paglalagay ng sunblock para maiwasan ang pagkakaroon ng sunburn at maproteksyunan ang inyong balat mula sa UV damages.
Kailangan itong ipahid o i-apply, 15 minutes bago ang sun exposure at bawat dalawang oras ang reapplication kung kayo ay direktang tatamaan ng sinag ng araw.
Hindi lamang balat ang dapat proteksyunan kundi pati ang mga labi at mata.
Gumamit ng lip balm na may SPF protection at magsuot ng sun glasses para sa eye protection dahil maaaring magdulot ng wrinkles sa gilid ng mata ang matinding sikat ng araw.
Importante rin ang mas madalas na pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration na dulot mainit na temperatura at matinding sikat ng araw.
Pinapayuhan din ang paglalagay ng moisturizer matapos mag-swimming sa dagat dahil nagdudulot ng dry skin ang tubig alat at ang pagsususot ng gawa sa cotton at light clothing para maaliwalas sa pakiramdam.
By Krista de Dios