Irerekomenda ng Department of Trade and Industry o DTI sa Department of health na lagyan ng label kung gaano karaming asukal mayroon ang isang produkto.
Kasunod na rin ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglagay ng health warning sa mga matatamis na inumin.
Ayon sa DTI kanilang ring ipapalagay ang babala mula sa World Health Organization o WHO na nagbibigay kaalaman kung anong maaaring masamang maidulot ng maraming asukal sa katawan.
Titiyakin umano nila na agad itong makikita ng mga mamimili upang mas mabilis na masuri.
Ipinabatid din ng DTI na isusunod nila rito ang mga produktong maaalat at fats na hindi nakakabuti sa kalusugan.
—-