Matapos arestuhin dahil sa kasong kidnapping with serious illegal detention, ililipat na sa provincial jail sa Agusan Del Sur ang health worker na si Dr. Maria Natividad “Naty” Castro.
Ito ay base sa commitment order na insyu ni Bayugan City Court Atty. Wilfred Asis dahil narin sa iniindang sakit ni Castro.
Nabatid na sumailalim sa x-ray procedure at iba pang examination dahil sa hypertension at diabetes si Castro kaya’t naiintindihan umano ito ni Atty. Asis.
Matatandaang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) si Castro matapos akusahan na miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA). -sa panulat ni Angelica Doctolero