Prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga health worker sa Metro Manila.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, uunahin ang medical frontliners na maturukan ng bakunang Sinovac mula sa China sa pagsisimula ng vaccination drive sa susunod na buwan.
Ani Nograles, ang mga medical frontliner sa NCR ang nangungunang prayoridad lalo’t sentro ng virus outbreak ng bansa ang nasabing rehiyon.