Halos 5,000 health care workers ang tumatangging magpa booster shots ng walang rekomendasyon mula sa experts.
Ito ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang resulta ng survey ng ahensya sa mahigit 10,000 respondents mula Setyembre 15 hanggang 21.
Sinabi ni Vergeire na mahigit 90% ng respondents ang kaagad nagsabing handa silang magpa booster shots kung mayroong sapat na ebidensya at rekomendasyon mula sa experts.
Una nang iginiit ng DOH na walang ebidensyang magpapatunay na nakakatulong ang booster shots laban sa COVID-19.