Hindi titigil sa pag-poprotesta ang mga health workers hanggang sa matanggap ang kani-kanilang benepisyo.
Ito’y ayon kay Jao Clumia, Presidente ng St. Luke’s Medical Center Employees Association.
Ayon kay Clumia, sa tatlong libong health workers ng kanilang ospital, tanging 1,194 pa lamang ang nakatanggap ng kanilang Special Risk Allowance (SRA).
Bago nito, lumahok sa mass walk-out nitong araw ng mga bayani ang ilang health workers dahil pa rin sa delay na pagbabayad ng pamahalaan sa kanilang mga benepisyo gaya ng SRA, hazard pay, transportation allowance at iba pa.
Kasunod nito, muling humingi ng pasensya ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa mga health workers at nanawagan din kakaunti pang pasensya.