Hinimok ni house committee on health chair Congresswoman Angelina Helen Tan ang mga health workers sa bansa na magpabakuna na rin kontra COVID-19.
Ayon kay Tan, kailangan ng mga health workers ng panangga sa virus lalo’t sila ang itinuturing na frontliner o unang nagbubuwis ng buhay sa pagharap ng virus.
Dagdag pa ni Tan, ito’y para kahit papaano’y mawala o kaya’y maibsan na rin ang kanilang pangamba na mahawa sa virus o kaya’y mamatay dahil dito.
Binigyang diin pa ng mambabatas na dapat sa mga health experts lamang maniwala at huwag kung kani-kanino lang.
Nauna rito, nagpaturok ng Sinovac vaccine si Tan dahilan para ituring itong kauna-unahang mambabatas na magpaturok ng legal na bakuna.