Muling umapela sa gobyerno ang grupo ng mga health workers dahil sa kanilang hindi pa naibibigay na hazard pay at iba pang benepisyo.
Ito’y matapos masilip ng COA ang kakulangan ng DOH sa paghawak ng COVID-19 funds nito.
Ayon kay Robert Mendoza, Presidente ng Alliance of Health Workers, nakakalungkot na sinasabing mga bagong bayani ang mga health workers ngayon pero hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay ang mga benepisyong dapat ay matagal na nilang natanggap.
Kabilang na rito ang meal, accommodation at tranportation benefits na nagkakahalaga ng halos 4,000 piso.
Ang iba aniya ay nakatanggap ng benepisyo ngunit ito ay gift check, vouchers at grocery.
Giit ni Mendoza, dahil nakita ng mga health workers na tila hindi totoo ang pangangalaga sa kanila ng DOH, kaya ngayon ay understaffed na ang maraming ospital sa bansa.