Umakyat na sa 1, 694 ang kabuuang bilang mga health workers na tinamaan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), nasa 566 sa mga ito ay mga doktor habang 638 rito ang mga nurse.
Ang nalalabing 490 sa nabanggit na bilang ay mga nursing assistant, medical technologist, radiologic technologist, respiratory therapist, midwife, pharmacists at iba pang health care service workers.
Samantala, nasa 33 naman sa nabanggit na bilang ang ng mga nasawing health care workers na nahawaan ng virus kung saan, 24 dito ay doktor habang 7 naman ang nurse.
Sa kabila nito, sinabi ng DOH na umabot na sa 256 na mga nahawaang health care workers ang tuluyan nang gumaling mula sa COVID-19.