Sumampa na sa 2,869 ang kabuuang bilang ng mga healthcare workers na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Katumbas ito ng 11% sa 25,930 na kasalukuyang kaso ng virus sa buong Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), 997 sa naturang bilang ang “active” cases at kasalukuyan pang ginagamot o naka-quarantine; 943 ang itinuturing na “mild” cases; 54 naman ang asymptomatic o walang ipinakikitang senyales ng COVID-19; habang wala naman sa mga ito ang ikinukunsiderang “severe” o nasa kritikal na kalagayan.
Samantala, nasa 1,839 naman ang nakarecover sa mga ito mula sa sakit, habang nananatili sa 33 ang bilang ng mga nasawi mula pa noong ika-10 ng Hunyo.
Pinakamarami sa mga healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 ay mga nurse na may 1,047 cases; sumunod ay mga doktor na mayroong 753 cases; 188 nursing assistant; 114 na medical technologists; at, 56 kaso naman mula sa mga radiologic technologists.
Samantala, isinama rin ng DOH sa naturang bilang ang nasa 379 non-medical staff na nahawahan din ng virus.