Umapela ang mga health workers sa pamahalaan sa pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Tony Dans ng health professionals alliance against COVID-19, kailangan ikunsidera ng gobyerno ang desisyon sa pagpapatupad ng curfew dahil mapipilitan ang mga tao na magtrabaho sa limitadong oras, siksikan sa kalye at sa mga trabaho nito.
Ipinabatid naman ni Dr. Aileen Espina, magsagawa na lamang ng work from home set-up ang mga may-ari ng kumpanya at isiayos ang bentilasyon ng mga lugar na pinagtatrabahuan upang makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19 dahil sa hawaan.
Bukod dito, magtalaga pa ng maraming bike lanes para maging open space ag pagbiyahe .
Magugunitang, sinimulan na ang pagpapatupad ng 10pm-5am curfew na tatagal hanggang katapusan ng Marso.—sa panulat ni Rashid Locsin