Maaaring mabigyan na ng break sa trabaho o bakasyon ang mga healthcare workers sa mga lugar na maituturing nang low risk o very low risk.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Leopoldo Vega bagama’t depende pa rin sa magiging pasiya ng mga ospital na kanilang kinabibilangan at local government units (LGU)’s.
Ayon kay Vega, ang mga LGU’s at ospital ang mag-aassess sa sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang lugar batay na rin sa critical utilization rate o dami ng mga positibo.
Una rito, iminungkahi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga ospital na bigyan ng bakasyon ang kanilang mga health workers kung hindi na gaanong mataas ang bilang ng pasyente ng COVID-19 sa kanilang pasilidad.
Sinabi ni Roque, kanya nang ipinabatid kay national task force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez ang kanyang mungkahi na ipapabatid naman umano kay vega na pinuno ng one hospital command.