Pumapalo na sa 111 ang bilang ng mga health workers na na-infect o nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Central Visayas.
Batay ito sa datos ng Department of Health (DOH) kung saan pinakamarami sa mga nabanggit na kaso ng mga nahawaang health workers ay mula sa Cebu City.
Ayon kay DOH Region 7 Spokesperson Dr. Mary Jean Loreche, 40 sa mga kaso ay mula sa Regional Hospital na Vicente Sotto Memorial Medical Center, apat mula sa city health deparment at apat din mula sa Cebu City Medical Center.
Sinabi ni Loreche, kinakailangan talaga ng ibayong ingat ng mga health workers sa paggampan ng kanilang mag tungkulin dahil na rin sa nakitang pagtaas sa bilang ng mga kasamahan nilang nahawaan ng COVID-19 sa Cebu City.
Gayunman, ikinagulat naman ni Loreche na hindi sa trabaho nakuha ng marami sa mga nagkasakit na health workers ang sakit kundi mula sa komunidad.