Kasalukuyang nasa “moderate risk” ang healthcare capacity ng bansa sa gitna ng banta ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit ang kanilang monitoring araw-araw sa paggalaw ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Bagama’t sa ngayon ay manageable pa naman aniya ang sitwasyon, ano mang oras ay nakahanda dapat sa posibleng karagdagan pang restrictions sakaling makita ang paglagpas sa threshold.
Ani Vergeire, may ibang parameters at threshold kasi ang DOH sa OCTA Research Group.