Tumatanggap pa ang Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) ng mga healthcare facilities na magiging bahagi ng Konsulta Package providers ngayong 2022.
Ayon kay PHILHEALTH President at CEO Atty. Dante Gierran, sa pamamagitan nito, masisigurong patuloy na lalawak ang access ng mamamayan sa Konsultasyong sulit at tama (Konsulta) Package na siyang primary care benefit ng state health insurer.
Ang accreditation sa Konsulta Package providers ay alinsunod na rin sa Republic Act 11223, o Universal Health Care (UHC) Act.
Para makapagpa-accredit, pinapayuhan ang mga Health facilities na magsumite ng kaukulang requirements sa pinakamalapit na Local Health Insurance Office (LHIO).