Mahigit 30 na ang patay makaraang maparalisa ang healthcare system ng bansang guinea-bissau(gi-ni bi-saw)sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kinumpirma ng Health Ministry ng nasabing West African nation na karamihan ng doktor at nurses na nag-strike ay lumayas sa kalagitnaan ng trabaho dahilan upang mapabayaan ang kanilang mga pasyente.
Kabilang sa inirereklamo ng mga healthcare worker ang napakababang sweldo at kakulangan ng medical equipments.
Tiniyak naman ng gobyerno na mananagot ang mga responsable sa pagkamatay ng mga biktima. — sa panulat ni Drew Nacino.