Nakakakita pa ng pag-asa sa healthcare system ng bansa si dating health secretary at ngayo’y Iloilo Representative Janette Garin.
Ayon kay Garin, hindi pa bagsak ang healthcare system sa Pilipinas ngunit nanganganib na rin itong mag-collapse kapag nagpatuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasabay nito, hinikayat ni Garin ang pamahalaan na gawing “full COVID-19 hospitals” ang ilang mga pampublikong pagamutan sa bansa upang mas maraming COVID-19 patient ang mabigyan ng atensyong medikal.
Kailangan lamang aniyang matiyak ng pamahalaan na mapaglalaanan ito ng pondo para epektibong magamit ang mga public hospitals para sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.