Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling mababa ang healthcare utilization ng bansa sa kabila nang pagkakatukoy sa 81 kaso ng COVID-19 Omicron XBB subvariant at 193 na kaso ng XBC subvariant.
Muling binigyang diin ng ahensya na epektibo pa rin ang mga bakuna laban sa mga nadiskubreng variant.
Siniguro naman ng DOH na patuloy ang kanilang surveillance at monitoring activities upang kaagad na matugunan ang posibleng outbreak ng sakit.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko, partikular sa mga immuno compromised at senior citizens, na magpabakuna at magpaturok ng booster shots laban sa COVID-19.