Bahagyang umakyat ang COVID-19 Healthcare Utilization Rate (HCUR) sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research Group, mula sa 30.7% na HCUR sa Metro Manila noong July 17 ay umakyat na ito sa 31.7% noong July 24.
Habang lampas na sa 50% ng mga Intesive Care Unit (ICU) units, isolation beds at mechanical ventilators ang kasalukuyang okupado sa mga ospital sa bohol at iloilo province.
Sa Iloilo, umabot na sa 52.4% ang HCUR habang 57.7% sa Bohol.
Una nang nagbabala si DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas ang HCUR sa bansa sa katapusan ng Agosto o sa simula ng Setyembre dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.