Bumubuti na ang healthcare utilization rate (HCUR) sa National Capital Region (NCR) nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, maikukumpara na ito sa ‘best week’ na naitala noong December 2021.
Mula February 23 hanggang March 1, nasa very low ang HCUR sa NCR na nasa 24%, at bahagyang mataas sa naitala noong December 10 hanggang 16, 2021 na nasa 19%.
Habang ng intensive care unit (ICU) level sa Metro Manila ay nasa 26% at 0.22 ang reproduction number o yung bilis ng hawaan. —sa panulat ni Abby Malanday