Nananatiling nasa critical risk level pa rin ang healthcare utilization sa tatlong rehiyon sa bansa.
Sa laging handa briefing, sinabi ni One Hospital Command Center Medical Director Dr. Marylaine Padlan, na ito ang mga rehiyon ng Cordillera Administrative Region o CAR, Region 2 at CARAGA.
Aabot naman sa mahigit isandaang libo ang bilang ng mga pasyenteng nagpapagaling pa sa sakit.
Kabilang rin sa nasa high risk level ang Region 4B o MIMAROPA, Region 5 at Region 9.
Sa naturang bilang, nasa pitumpu’t-pitong porsyento ang mild cases, labinglimang porsiyento naman ang asymptomatic dalawang porsiyento ang severe cases at isang porsiyento naman ang nasa critical condition.