Naturukan na ng booster shot ang nasa 2,488 na mga healthcare worker.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, prayoridad sa booster shots ang mga healthcare worker dahil na rin sa kanilang exposure sa Covid-19.
Kasama rin sa mga unang nabigyan ng booster shot ang mga janitor at mga guard na nagtatrabaho sa mga pagamutan.
Binigyang diin naman ni Cabotaje na bagama’t bumababa ang efficacy rate ng mga bakuna matapos ang anim na buwan, ay hindi ibig sabihin na mawawala na ang immunity ng mga naturukan ng mga bakuna kontra Covid-19. —sa panulat ni Hya Ludivico