Mahaharap sa kaso ang mga healthcare worker na mapapatunayang sinadya ang pagkakamali sa pagturok ng COVID-19.
Tiniyak ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos sulputan sa social media ang video ng pagkakamali sa pagtuturok ng nasabing bakuna.
Gayunman binigyang diin ni Vergeire na wala naman silang nakikitang masamang intensyon o sasadyain ng isang healthcare worker na maliin ang pagturok ng bakuna dahil expert na ang mga ito sa pagbabakuna.
Una nang inihayag ng DOH na isasailalim nila sa re-orientation ang mga vaccinator upang matiyak na hindi na mauulit ang mga insidene ng tila pagmimintis sa pagbabakuna.