Nabawasan na ang bilang ng mga health workers na tinamaan ng COVID-19 sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Tala, Caloocan.
Ayon kay hospital director Dr. Alfonso “Fritz” Famaran, sa ngayon ay umaabot na lamang sa 298 ang bilang ng mga healthworkers na nahawaan ng sakit mula sa dating animnaraan.
Tiniyak din nito na hindi kinailangang magsara ng ilang bahagi ng ospital dahil nagpadala ng dagdag na personnel ang Department of Health (DOH).
Sinabi pa ng opisyal na bumababa na rin ang bilang ng mga na a admit na COVID patients sa kanilang ospital.
Sa ngayon aniya ay mayroong 261 COVID cases sa nasabing pagamutan.