Bagamat may mga ready-made juice na mabibili sa iba’t ibang pamilihan ay hindi pa rin masisiguro ang pagka-healthy nito dahil ito ay na-process na at maaaring nahaluan na ng kemikal.
Ngunit alam mo ba na maaari mo pa ring ma-enjoy ang pag-inom ng fruit juices nang hindi isinasa-alang-alang ang iyong kalusugan?
Maaari ka pa ring uminom ng mga mas healthy version nito tulad na lamang ng mga fresh juice.
Isa na rito ang cranberry juice na likas sa protein, fiber, sugar. Potassium, vitamins C, E at K at nakakatulong upang mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng UTI.
Pangalawa, ang tomato juice na hindi lamang pangunahing sangkap sa paggawa ng bloody mary kundi mainam rin bilang iron absorption at napapaganda pa nito ang ating balat, immune health, at puso.
Syempre, hindi papahuli ang apple juice na pinaka sikat sa lahat ng fresh juice.
Ito ay magandang source ng potassium na nagsisilbing electrolyte at lubos na importante para sa nerve signaling at heart health.